|
||||||||
|
||
NAGBANTA naman ang grupong Abu Sayyaf na pupugutan nila ang nalalabing bihag pagsapit ng araw ng Lunes, ika-13 ng Hunyo, 2016 kung hindi magbabayad ng kanilang hinihiling na ransom na umaabot sa halagang P600 milyon.
Nanawagan ang Canadian national na si Robert Hall sa kanyang pamahalaan at maging sa Pilipinas, na tulungan sila. Ito ang napaloob sa video na lumabas sa SITE Intelligence Group noong Biyernes.
Pupugutan sila sa ganap na ikatlo ng hapon kung walang ransom na makararating sa kanila. Lumabas ang video, tatlong linggo matapos pugutan si John Ridsdel.
Dinukot sina Hall, Ridsdel at ang Norwegian na si Kjartan Sekkingstad at ang Filipina na si Marites Flor noong Setyembre 2015 sa Samal Island, Davao del Norte.
Tuloy umano ang operasyon ng militar.
Sinabi ni Brig. General Restituto Padilla na tuloy ang pagkilos ang mga kawal upang mailigtas ang mga hostage at gipitin ang Abu Sayyaf na palayain ang mga bihag.
Nakiusap din siya sa madla na huwag magbabayad ng ransom upang huwag nang lumakas pa ang grupo.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |