Singapore—Magkasamang inilabas Lunes, Mayo 16, 2016 ng UnionPay International ng Tsina at DBS Bank ng Singapore ang DBS UnionPay platinum debit card.
Bilang isang international card, maaari itong gamitin sa 157 bansa't rehiyon na tumatanggap ng UnionPay card. Bukod dito, mayroon din itong function ng contactless payment sa pamamagitan ng UnionPay QuickPass. Ibig sabihin, maaaring magbayad ang mga consumer, sa pamamagitan ng paghawak ng card sa contactless reader. Kasabay nito, nagkakaroon din ito ng NETS FlashPay function at maaaring gamitin sa MRT/LRT, bus at taksi.
Tagapagsalin: Jade
Tagapagpulido: Rhio