|
||||||||
|
||
Tagapag-organisa ng aktibidad ang School of Foreign Languages at Institute of Oriental Studies. Dumalo sa pagdiriwang sina Lin Jianhua, Pangulo ng Peking University, Ning Qi, Dean ng School of Foreign Languages, mga puno ng iba't ibang departamento, guro, alumni at estudyante ng nasabing pamantasan.
Si Lin Jianhua, Pangulo ng PKU
Ning Qi, Dean ng School of Foreign Languages
Labingwalo (18) wika ang kasalukuyang nasa ilalim ng oriental studies, kabilang dito ang mga wika ng mga bansang Arabe, Hapon, Korea, Timog Asya at Timog-silangang Asya .
Ang Philippine Studies ay isa sa mga kurso sa PKU. Sa aktibidad, bumigkas ng mga tula ang ilang mga mag-aaral ng School of Foreign Languages kabilang si Yin Ziyou, sophomore student ng Philippine Studies program ng PKU. Kanyang binasa ang tulang Ang Ulan sa wikang Filipino.
Si Yin Ziyou na nagbabasa ng tulang Ang Ulan sa wikang Filipino
Inanyayahang dumalo sa aktibidad ang mga dating propesor at iskolar at kanilang nilagom ang kasaysayan at mga bunga ng kani-kanilang departamento sa loob ng 7 dekada.
Ayon sa mga dalubhasang nagsalita, ang pag-aaral ng wika ay paraan para magkaroon ng world view ang mga estudyanteng Tsino dahil ang lengwahe ay hindi lamang ginagamit sa komunikasyon, kundi ito ay paraan para mas lumawak ang kaalaman hinggil sa kultura, lipunan at kasaysayan ng isang bansa.
Sa panayam ng CRI Serbisyo Filipino kay Dr. Wu Jiewei, Associate Dean ng School of Foreign Languages ng PKU, sinabi niyang batay sa "Belt and Road Initiative" na iniharap ng pamahalaang Tsino para mapasulong ang magkasamang pag-unlad ng mga bansa sa kahabaan ng land-based Silk Road Economic Belt at 21st Century Maritime Silk Road, bukod sa pag-aaral ng wika, kultura at kasaysayan, kailangan na ring pag-aralan ng mga estudyante ang politika at ekonomiya ng mga bansa sa daigdig. Kabilang ito sa mga plano ng pamantasan sa malapit na hinaharap.
Kaugnay ng Philippine Studies program, ani Dr. Wu ang kinabukasan ng programa ay apektado ng relasyon ng Pilipinas at Tsina. Sana aniya ang dalawang pamahalaan ay magkaroon ng mga hakbang para pabutihin ang ugnayan para madagdagan ang pagpapalitan sa pagitan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.
Mga alumni ng iba't ibang batch ng PKU Philippines Studies
Ulat : Mac Ramos / Ernest Wang
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |