Kinapanayam kahapon ng Al Jazeera ang CRI Serbisyo Filipino.
Sa panayam ibinahagi ni Jade Xian, Director ng Serbisyo Filipino ng China Radio International (CRI) ang papel ng tanggapan para isulong ang ugnayan ng Tsina at Pilipinas. Inilahad niyang sa pamamagitan ng mga programa nito, nagsisilbing tulay ang Serbisyo Filipino para mabawasan ang "cultural divide."
Si Jade Xian, Direktor ng CRI Filipino Service, habang kinakapanayam ng Al Jazeera (photo credit: Paul Sutton)
Ibinahagi din ni Xian ang mga malaking pagbabago sa galaw ng trabaho na nagsimula noong 1965 sa pamamagitan ng tradisyunal na pagsasahimpapawid sa radyo. Idinagdag pa niyang sa kasalukuyan gamit ang Internet, social media platforms at kaalaman sa multi-media reporting, mas maraming paraan para maabot ang mga tagapakinig ng Tsino at Pilipino at mas epektibong naisasagawa ang intercultural communication.
Bukod sa regular na pag-uulat ng mga balita, ikinuwento ng Xian ang ilang mga aktibidad na pangkawanggawa ng Serbisyo Filipino lalo na nang masalanta ng bagyong Yolanda (Haiyan) ang Pilipinas. Ibinida rin si Xian ang aktibidad na pangkultura na isinagawa nito sa pakikipagtulungan ng Pasuguan ng Pilipinas.
Hindi naiwasang matalakay ang usapin ng South China Sea. Hinggil dito, ipinahayag ni Xian na ang bawat isyu ay may kalutasan. Ipinagdiinan niyang sa panahong ito kailangang patingkarin ng Serbisyo Filipino ang papel nito bilang tulay ng pag-uunawaan ng Tsina at Pilipinas.
Reporter: Mac Ramos