Tsina: ang paninindigan hinggil sa pagsapi sa Nuclear Suppliers' Group, hindi nakatuon sa Pakistan
Bilang tugon sa pag-aplay ng Pakistan sa pagsapi ng Nuclear Suppliers' Group (NSG), ipinahayag Mayo 23, 2016 dito sa Beijing ni Hua Chunying, tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang NSG ay mahalagang bahagi ng international non-proliferation regime at ang "Treaty on the Non-Proliferation of Nuclear Weapons (NPT)signatory status" ay paunang kondisyon sa pagtanggap ng bagong miyembro ng NSG. Aniya pa, ang Pakistan ay hindi isang signataryong bansa ng NPT, at laging nananawagan ang Tsina at iba pang mga bansa na ganap na talakayin ang isyung ito sa loob ng NSG.
Aniya, sa kasalukuyan, mayroon ding mga pagkakaiba hinggil sa isyung ito sa loob ng grupo. Naninindigan ang Tsina at iba pang mga bansa na hanapin ang komong palagay sa pamamagitan ng talakayan. At ang paninindigan ng Tsina sa isyung ito ay hindi lamang nakatuon sa Pakistan, kundi anumang di-signataryong bansa ng NPT.
salin:wle