Ipinahayag nitong Martes, Mayo 24, 2016, sa Kuala Lumpur ni Sheng Guangzu, General Manager ng China Railway Corporation (CRC), na umaasa ang panig Tsino na pahihigpitin, kasama ng Malaysia, ang kooperasyon sa high speed railway mula Kuala Lumpur hanggang Singapore.
Sinabi ni Sheng na may mga bentahe ang CRC sa teknolohiya, pasilidad, presyo at seguridad.
Ang kabuuang haba ng daambakal sa pagitan ng Malaysia at Singapore ay umabot sa 350 kilometro. Ang nakatakdang speed nito ay 300 kilometro bawat oras.