Sa pulong na idinaos kamakailan sa Yogyakarta, Indonesya, nagpalabas ng pahayag ang mga mataas na opisyal mula sa mga ministring panlabas at ministring pandepensa ng Indonesya, Malaysia, at Pilipinas, hinggil sa pagpapalakas ng kooperasyong panseguridad sa rehiyong pandagat sa pagitan ng tatlong bansa.
Ayon sa pahayag, pagpasok ng taong ito, isinagawa ng Abu Sayyaf Group ang ilang pangingidnap sa dagat, at ito ay nagsisilbing banta sa seguridad ng rehiyong ito. Sinang-ayunan ng Indonesya, Malaysia, at Pilipinas na isagawa ang magkakasanib na pagpapatrolya sa rehiyong pandagat sa pagitan ng tatlong bansa, para pangalagaan ang seguridad, at ipagkaloob ang pangkagipitang tulong sa mga bapor na nanganganib.
Sinang-ayunan din ng tatlong bansa na buksan ang koordinadong sentro at hotline, para pasulungin ang agarang pagbabahagi ng mga impormasyon.
Salin: Liu Kai