Kaugnay ng pahayag na inilabas pagkatapos ng pulong ng mga ministrong panlabas ng Shanghai Cooperation Organization (SCO), sinabi ni Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina, na ito'y nagpapakitang ang paninindigang Tsino sa isyu ng South China Sea (SCS) ay tinatanggap ng dumaraming bansa sa buong daigdig.
Sinabi ni Wang na malinaw ang paninindigan ng naturang pahayag na kinabibilangan ng mga sumusunod: una, ang mga hidwaan sa teritoryo at karapatang pandagat ay dapat lutasin ng mga kasangkot na bansa sa pamamagitan ng talastasan at pagsasanggunian, sa halip na pagiging international; ikalawa, ang mga bansa sa labas ng rehiyon ng SCS ay walang kapangyarihang maki-alam sa naturang mga hidwaan; ikatlo, dapat sundin ng mga bansa ang tadhana ng Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC) na nagsasabing ang mga hidwaan ay dapat mapayapang lutasin ng mga direktang kasangkot na bansa sa pamamagitan ng talastasan at pagsasanggunian.
Sinabi pa ni Wang na ito'y nagpapakita na ang paninindigang Tsino ay angkop sa pandaigdigang batas at pangako nila ng mga bansang ASEAN.