Kaugnay ng sinabi ni Pangulong Barack Obama nitong Martes, Mayo 24, 2016, sa Biyetnam hinggil sa isyu ng South China Sea (SCS), sinabi ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na dapat igalang ng mga bansa sa labas ng rehiyon ng SCS ang pagsisikap ng mga bansa sa rehiyong ito para pangalagaan ang katatagan at kapayapaan.
Dagdag pa ni Hua na, narating ng Tsina at ASEAN ang mga nagkakaisang posisyon hinggil sa mapayapang paglutas sa mga hidwaan at pangangalaga sa katatagan at kapayapaan ng SCS.
Bukod dito, sinabi ni Hua na matatag na tinatanggap at kinakatigan ng panig Tsino ang malayang paglalayag ng mga bansa batay sa pandaigdigang batas, pero tinutulan nito ang espesyal na kalayaan ng mga bapor pandigma at fight jet ng Amerika sa pagpasok sa teritoryo ng ibang bansa nang walang pahintulot.
Sapul nang itatag ang People's Republic of China noong 1949, itinakda ng Tsina at 12 sa 14 na karatig bansa sa lupa ang hanggahan sa pamamagitan ng talastasan at pagsasanggunian batay sa katotohanang historikal at pandaigdigang batas. Sinabi pa ni Hua na ang saklaw ng 5 bansa sa naturang 12 bansa ay mas maliit kaysa sa Pilipinas at ang populasyon ng 10 bansa sa naturang 12 na bansa ay mas mababa kaysa sa Pilipinas, kaya ang laki ng isang bansa ay hindi nag-iisa o pangunahing dahilan para sabihing tama o mali ang isang bansa.