|
||||||||
|
||
Bilang tugon, inilabas ng People's Daily, pahayagang may pinakamalaking sirkulasyon sa Tsina, ang isang komentaryo.
Ayon sa nasabing komentaryo, batay rin sa pandaigdig na batas na tinatawag na customary international law, ang pagtatakda at pag-angkin ng soberanya ay may kinalaman sa mga sumusunod na elemento: kung sino ang pinakamaagang nakatuklas ng teritoryo; kung sino ang pinakaunang nagpangalan sa teritoryo; kung sino ang pinakamaagang naggalugad ng teritoryo; kung sino ang pinakamaagang nagsagawa ng tuluy-tuloy na pangangasiwang administratibo sa teritoryo.
Anito pa, batay sa nasabing mga elemento, ayon sa mga dokumentong historikal, ang Tsina ang unang nakatuklas, nagpangalan, naggalugad at nangasiwa sa mga isla sa loob ng dotted line ng SCS.
Anang komentaryo, pagkatapos ng World War II, batay sa 1943 Cairo Declaration at 1945 Potsdam Proclamation, ang teritoryo na sinakop ng Hapon sa Xisha Islands at Nansha Islands ay ibinalik sa Tsina, muling napasakamay ng Tsina ang soberanya sa nasabing mga isla, at pinahigpit ang jurisdiction sa mga ito, sa pamamagitan ng muling pagsasaayos ng opisyal na pangalan, paglalabas ng opisyal na mapa, pagtatatag ng unit na administratibo at pagtatalaga ng tropa. Noong 1947, muling pinangalanan ng Tsina ang mga isla sa South China Sea sa loob ng dotted line. Noong 1948, itinakda ng pamahalaang Tsino ang dotted line sa opisyal na mapa bilang pag-ulit ng historical rights nito sa SCS. Sapul nang itatag ang Republika ng Bayan ng Tsina noong 1949, patuloy ring pinangangalagaan ng pamahalaang Tsino ang nasabing mga karapatang pangkasaysayan.
Ipinagdiinan din ng komentaryo na hindi tinatanggal ng UNCLOS ang mga historic right na nabuo at patuloy na ipinapatupad bago ito inilabas noong 1982. Mababasa sa UNCLOS ang paggalang nito sa "historic bays" at "historic rights." Itinatadhana rin sa UNCLOS ang layunin nitong "establish through this Convention, with due regard for the sovereignty of all states, a legal order of the seas and oceans."
Para sa artikulo sa wikang Ingles, pakitsek: http://news.xinhuanet.com/english/2016-05/24/c_135382327.htm
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |