Ipinahayag Huwebes, May 26 ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na bilang tradisyonal na mapagkaibigang magkapitbansa, may talino at kakayahan ang Tsina at Biyetnam na lutasin ang pagkakaiba sa pamamagitan ng talastasan.
Winika ito ni Hua bilang tugon sa pahayag kamakailan ni Punong Ministro Nguyen Xuan Phuc ng Vietnam na walang intensyon ang bansa na palawakin ang eksistensyang militar sa South China Sea at hanapin ang mapayapang kalutasan sa pagkakaiba.
Ipinagdiinan ni Hua na palagiang naninindigan ang Tsina na lutasin ng mga may direktang kinalamang bansa ang alitan sa teritoryo, at karapatan at interes na pandagt, sa pamamagitan ng talastasan, batay sa katotohanang historikal at pandaigdig na batas. Sinunod aniya ng Tsina at Vietnam ang nasabing prinsipyo, at sa pamamagitan ng mahigit 30 taong pagsisikap, nagkasundo ang dalawang bansa sa pagtatakda ng hanggahang panlupa.
Kaugnay ng pagkakaibang pandagat ng Tsina at Vietnam, sinabi ni Hua na kung mapupulot ng dalawang bansa ang may kinalamang matagumpay na karanasan at magpapakita ng resolusyon, pasensya at pagpupursige, malulutas ang pagkakaiba.
Tagapagsalin: Jade
Tagapagpulido: Rhio