Ipinahayag Lunes Mayo 23, 2016 ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na nakahanda ang Tsina na patuloy na magsikap, kasama ng Indya, para mapasulong ang talastasan hinggil sa isyu ng hanggahan.
Aniya, kapuwa Tsina at Indya ay naniniwala sa makatarungan, makatuwiran at katanggap-tanggap na paglutas sa isyu ng hanggahan sa pamamagitan ng talastasan. Nitong mahigit 30 taong nakalipas, aktibong pinapasulong ng dalawang panig ang talastasan, maayos na kinokontrol ang hidwaan, pinangangalagaan ang kapayapaan sa rehiyong panghanggahan, at ito ay lumikha ng paborableng kalagayan para sa malusog at matatag na pag-unlad ng relasyon ng Tsina at Indya. Aniya pa ni Hua, na sa kasalukuyan, itinatag na ng dalawang panig ang mekanismo ng mga gawain hinggil sa isyung ito, at narating ang pulitikal na prinsipyong pampatnubay at "3-step" roadmap. Nakahanda aniya ang Tsina na patuloy na magsikap para malutas ang isyu sa lalong madaling panahon.
salin:wle