Binigyang-diin nitong Huwebes, Mayo 26, 2016, ni Yang Yujun, Tagapagsalita ng Ministri ng Tanggulan ng Tsina, na kahit ano man ang magiging hatol sa arbitrasyon na iniharap ng Pilipinas hinggil sa South China Sea (SCS), hindi ito tatanggapin at kikilalanin ng panig Tsino.
Sinabi ni Yang na nananangan ang Tsina sa nasabing paninindigan batay rin sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).
Sinabi pa ni Yang na ang Tsina ay hindi ang unang bansa na tatanggi sa hatol ng arbitrasyon batay sa UNCLOS.
Ito aniya ay karapatan ng panig Tsino batay sa UNCLOS.
Inulit ni Yang na ang Tsina ay may soberanya sa Nansha Islands at karagatan sa paligid nito. Dagdag pa niya, ang mga bansa sa labas ng rehiyon ng SCS ay madalas na nagpapasikat ng sariling puwersang militar sa nasabing karagatan, at ito'y pinakamalaking banta sa katatagan at kapayapaan ng rehiyong ito.