Pinuna kahapon, Miyerkules, ika-25 ng Mayo 2016, ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang militarisasyon ng Amerika sa South China Sea, gaya ng pagpapalakas ng pagdedeploy na militar, pagpapadala ng mga bapor at eroplanong pandigma malapit sa teritoryal na dagat at himpapawid ng Tsina, at pagsasagawa, kasama ng mga kaalyadong bansa, ng magkakasanib na pagsasanay militar at paglalayag sa South China Sea. Ani Hua, ang mga ito ay posibleng magdulot ng sagupaan sa rehiyong ito.
Winika ito ni Hua bilang tugon sa sinabi kamakalawa ni John Kerry, Kalihim ng Estado ng Amerika, na ang mga aksyon ng Tsina sa East China Sea at South China Sea ay posibleng magdulot ng sagupaan, at dapat maingat ang Tsina sa pagsasagawa ng mga unilateral na aksyon, gaya ng reclamation at pagsasamilitar ng mga isla at reef.
Kaugnay nito, sinabi rin ni Hua, na ang Tsina ay huling bansang nagsagawa ng konstruksyon sa mga isla at reef sa South China Sea, at ang mga isla at reef na ito ay saklaw ng bansa. Aniya, ang mga aksyon ng Tsina ay para pangalagaan ang sariling soberanya at lehitimong karapatan, at ito ay nasa loob ng soberanya.
Salin: Liu Kai