Kaugnay ng puna ng Pentagon sa di-umano'y "di-ligtas" na pagharang ng dalawang J-11 fighters ng Tsina sa reconnaissance aircraft ng tropang pandagat ng Amerika sa South China Sea (SCS), sinabi nitong Huwebes, Mayo 26, 2016 ni Yang Yujun, Tagapagsalita ng Ministri ng Tanggulan ng Tsina, na walang basehan ang nasabing puna ng Amerika. Dagdag pa niya, ang aksyon ng panig Tsino ay angkop sa encounter safety code na narating ng dalawang bansa.
Ipinahayag ni Yang na ang madalas na pagmamatyag ng tropang Amerikano sa SCS ay nagdulot ng banta sa kaligtasang militar ng dalawang bansa. Sinabi pa niyang hiniling ng panig Tsino sa Amerika na agarang itigil ang naturang mga aksyon.