Si Chen Yulu, Pangalawang Gobernador ng Bangko Sentral ng Tsina.
Ipinahayag ngayong araw, Mayo 29, 2016, sa Beijing ni Chen Yulu, Pangalawang Gobernador ng Bangko Sentral ng Tsina, na sa kasalukuyan, kinakaharap ng Tsina ang mga bagong hamon sa pagsasaayos ng patakaran ng pananalapi at pangangasiwa sa macro-pinansiya.
Ipinaliwanag ni Chen ang tatlong pangunahing isyu sa naturang larangan na kinabibilangan ng: una; suplay ng salapi at leverage ratio, ikalawa; ugnayan ng pag-unlad ng industriyang pinansyal at tangible economy, at ikatlo; mabisang pangangasiwa at pagsusuperbisa sa industriyang pinansiyal.
Upang lutasin ang nasabing tatlong isyu, sinabi ni Chen na buong sikap na patatatagin ng Tsina ang modernisadong sistemang pinansiyal na kinabibilangan ng pagbabawas ng mga di-kinakailangang proseso ng administratibong pagsusuri at pag-aaproba, pagpapabuti ng episyensiya ng pinansya sa pagbabahaginan ng mga yamang panlipunan, at pagpapabuti ng pagsusuperbisa sa sistemang pinansiyal.