Pagkaraang dumalo sa World Conference on Tourism for Development na itinaguyod ng United Nations World Tourism Organization (UNWTO), tatalakayin ni Kobkarn Wattanavrangku, Ministro ng Turismo at Palakasan ng Thailand, kasama ng mga kinauukulang departamento ng bansa, ang hinggil sa bagong pagsasaayos sa patakaran sa pagpapaunlad ng turismo ng Thailand. Sinabi ni Wattanavrangku na maaaring hiramin ng tursimo ng kanyang bansa ang karanasan ng Tsina sa desentralisasyon ng tourism revenue.
Aniya, itinakda na ng Kawanihan ng Turismo ng Thailand ang katulad na plano sa desentralisasyon ng tourism revenue sa buong bansa. Noong isang taon, lumaki ng 15% ang tourism revenue ng 24 lunsod na sumali sa nasabing plano. Aniya, mapapasulong ng ganitong kaisipan ang pagpapaliit ng agwat sa pagitan ng mahihirap at mayayaman, sa pamamagitan ng turismo, at tutulungan ang mga mahirap na populasyon na madagdagan ang kita.
Salin: Vera