|
||||||||
|
||
CONGRESS PROCLAIMS NEW VICE PRESIDENT: Senate President Franklin M. Drilon and House Speaker Feliciano Belmonte Jr. raise the hands of Camarines Sur 3rd District Representative Leni Robredo, proclaiming her as the country's duly elected Vice President, Monday, May 30, 2016. Robredo is joined by her children, Jessica Marie, Janine Patricia, and Jillian Therese.(PRIB Photo by Albert Calvelo/30 May 2016)
MATAPOS ang mga talumpati sa joint session ng Senado at Kongreso, naipasa na nina Senate President Franklin M. Drilon at Speaker Feliciano Q. Belmonte, Jr. ang mga resolusyon na tumatanggap sa proklamasyon ng mga nagwaging pangulo na si Davao City Mayor Rodrigo Roa Duterte at pangalawang pangulo na si Congresswoman Leni Gerona Robredo.
Suspendido muna ang sesyon upang opisyal na sabihan ang mga nagwaging pambansang opisyal nang gagawing proklamasyon.
Nakatakdang maproklama ang dalawang nagwagi bago sumapit ang ikalima ng hapon.
Si G. Duterte ang ika-16 na pangulo samantalang si Gng. Robredo ang ika-14 na pangalawang pangulo ng Republika ng Pilipinas matapos ang tatlong araw na pagbibilang sa House of Representatives.
Ito na ang pinakamabilis ang pagbibilang sa kasaysayan ng bansa.
Wala sa joint session si G. Duterte. Mga abogado niya ang magiging kinatawan sa proklamasyon. Pumasok na sa Session Hall si Vice President-Elect Robredo samantalang sinusulat ang balitang ito.
Dadalo na si Gng. Robredo matapos dumalo sa Misa sa St. Peter's Church sa Commonwealth Avenue, Quezon City. Walang batas na nilalabag ang sinumang hindi dadalo sa proklamasyon.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |