SINABI ni Chief Supt. Ronald dela Rosa, ang kapalit ni PNP Chief Director General Ricardo Marquez na itutuloy niya ang kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na sugpuin ang illegal drugs sa loob ng tatlo hanggang anim na buwan.
Nagmumura din sa panayam, nagbanta si Chief Supt. Dela Rosa sa mga pinaghihinalaang sangkot sa droga na hindi siya magdadalawang-isip na magpapatay kung hindi titigil sa ilegal na gawain.
Binanggit ni Dela Rosa na may magaganap na mga patayan laban sa mga sangkot sa droga. Imposible umanong 'di masusugpo ang droga ng PNP chief at kung hindi niya kakayanin ay isusuko niya ang kanyang puesto.
Sinabi ni Chief Supt. Dela Rosa na kinausap sila noong Sabado sa Davao City at nakasama niya sina Chief Supt. Ramon Apolinario, MIMAROPA acting director at Sr. Supt. Rene Aspera, chief of staff ng PNP-Anti-kidnapping Group.