Kaugnay ng paghingi ng paumanhin ng Mitsubishi Materials Corp. sa 3765 Chinese forced laborers noong panahon ng World War II at pagbibigay ng kompensasyon sa kanila at mga kamag-anak nila, sinabi nitong Miyerkules, Hunyo 1, 2016, ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na umaasa ang panig Tsino na maayos na malulutas ng bansang Hapon ang isyu ng mga Chinese forced laborers noong WWII.
Sinabi pa ni Hua na ang naturang isyu ay nagsisilbing malubhang krimen ng Japanese militarism sa pananalakay at paghaharing koloniyal sa ibang mga bansa noong panahong iyon.
Ayon sa pahayag ng Mitsubishi Materials Corp., magbibigay ito ng 100,000 yuan RMB o halos 15,000 dolyares sa bawat tao. Itatayo rin ng nasabing kumpanya ang monument bilang paggunita sa mga biktima.