Lunes, Mayo 16 2016, ipinahayag ni Tagapagsalita Hong Lei ng Ministring Panlabas ng Tsina na idinagdag ng Hapon ang huwad na nilalaman sa pahayag ng Kuwait tungkol sa isyu ng South China Sea, para baligtarin ang katotohanan. Ang kilos na ito ay magsisilbing katatawanan sa wakas, dagdag pa ni Hong.
Ipinahayag nitong Linggo, Mayo 15, ni Khaled Al Jarallah, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Kuwait ang suporta sa paninindigan ng Doha Declaration na isinapubliko noong Mayo 12 sa ika-7 Pulong ng mga Ministrong Panlabas na nakapaloob sa Porum na Pangkooperasyon ng Tsina at Aprika. Ang nasabing deklarasyon ay may-kinalaman sa isyu ng South China Sea. Ipinalalagay aniya ng Kuwait na nagsisikap ang Tsina para lutasin, kasama ng mga may-kinalamang bansa ang isyu ng South China Sea, alinsunod sa Karta ng UN at UN Convention on the Law of the Sea. Sinabi niyang di-tunay ang pagkokober ng Kyodo News Agency tungkol sa paninindigan ng panig Kuwaiti sa isyung ito.
Nauna rito, sinabi ng Kyodo News Agency ng Hapon na pagkatapos ng pag-uusap nina Punong Ministro Shinzo Abe ng Hapon at dumadalaw na Punong Ministro Jaber Al-Mubarak Al-Hamad Al-Sabah ng Kuwait, ipinalalagay ng kapuwa panig na tumitindi ang kapaligirang panseguridad ng Silangang Asya, dahil sa pagtatangka ng Tsina na baguhin ang kasalukuyang kalagayan ng East China Sea at South China Sea.
Salin: Vera