Ipinahayag nitong Miyerkules, Hunyo 1, 2016, ni Tea Banh, Ministro ng Tanggulan ng Cambodia, na dapat mapayapang lutasin ng mga direktang kasangkot na bansa ang isyu ng South China Sea (SCS) sa pamamagitan ng talastasan, at hindi dapat makialam sa isyung ito ang mga bansa sa labas ng rehiyon ng SCS.
Sinabi pa niyang malinaw at matatag ang nasabing paninindigan ng kanyang bansa sa isyung ito.