Inulit kahapon, Biyernes, ika-20 ng Mayo 2016, ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na bago iharap noong Enero 2013 ng pamahalaan ng Pilipinas ang South China Sea arbitration, hindi isinagawa nito, kasama ng Tsina, ang anumang pagsasanggunian o talastasan hinggil sa may kinalamang isyu. Kaya aniya, hindi totoo ang sinabi ng panig Pilipino na iniharap nito ang arbitrasyon, pagkaraang maubos ang lahat ng mga bilateral na paraan para sa paglutas sa hidwaan.
Dagdag ni Hua, pinaninindigan ng Tsina na kapag magkaroon ng bilateral na pagsasanggunian at talastasan, saka lamang makikita ng Tsina at Pilipinas ang tunay na solusyon sa kanilang hidwaan sa South China Sea. Dapat aniya himukin ng iba't ibang panig ang Pilipinas na tumalima sa komong palagay ng Tsina at Pilipinas, Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea, at UN Convention on the Law of the Sea, para mapayapang lutasin, kasama ng Tsina, ang hidwaan sa South China Sea, sa pamamagitan ng talastasan.
Salin: Liu Kai