Nagtagpo ngayong araw, Hunyo 7, 2016, sa Beijing sina Wang Yang, Pangalawang Premyer ng Tsina, Yang Jiechi, Kasangguni ng Estado ng pamahalaang Tsino, John Kerry, Kalihim ng Estado ng Amerika, Jacob J. Lew, Kalihim ng Tesorarya ng Amerika, at mga mangangalakal ng dalawang bansa.
Sina Wang Yang, Yang Jiechi, John Kerry, at Jacob J. Lew ay dumadalo sa ika-8 round ng U.S.–China Strategic and Economic Dialogue.
Sa kanilang pagtagpo, umaasa ang mga mangangalakal ng dalawang bansa na pahihigpitin ng kanilang mga pamahalaan ang pag-uugnayan at pagkokoordinahan sa mga patakaran, at alisin ang mga hadlang, para magkasamang likhain ang mas magandang kapaligiran ng negosyo.
Ipinahayag ni Wang na buong sikap na itaintatag ng Tsina ang mas bukas, pantay, at transparent kapaligiran ng komersyo. Dagdag pa niya, ang kasalukuyang pangunahing gawain ng dalawang bansa ay pagpapasulong ng talastasan ng kasunduan ng bilateral na pamumuhunan.
Ipinahayag naman nina John Kerry at Jacob Lew na winewelkam ng Amerika ang pamumuhunan ng mga bahay-kalakal ng Tsina at nakahanda ring palawakin ang mga pamumuhunan sa Tsina, para makinabang ang mga mamamayan ng dalawang bansa.