|
||||||||
|
||
Kaninang umaga, idinaos ang Gaokao o National College Entrance Exam sa mainland Tsina. Taon-taon tumataas ang bilang ng mga pumapasa, at sa mga lalawigan, umabot sa 90% ang passing rate, pero, matindi pa ang kompetisyon para makapasok sa magandang pamantasan.
Noong isang taon, umabot sa 9.12 milyon ang bilang ng mga estudyante na kumuha ng Gaokao at this year, lumampas sa 9.4 milyon ang numerong ito.
1 Salaysay sa Gaokao
2 Gastos ng paghahanda para sa gaokao ng Tsina
3 Ang College entrance exams sa buong daigdig
Ang American College Testing assessment (ACT) and Scholastic Aptitude Test (SAT) ay dalawang pangunahing college entrance exams na idinaraos sa Amerika bawat taon
Walang anumang istandardisadong pagsusulit para sa mga estudyanteng Britaniko para pumasok sa kolehiyo. Iba't iba ang pamantayan ng mga kolehiyo, at kadalasan, kabilang dito ang pagsusumite ng transcript at isang interview
Ini-adopt ng mga pribado at pampublikong unibersidad ng Hapon ang National Center Test para sa university admissions
Tuwing Nobyembre, idinaraos ng Timog Korea ang College Scholastic Ability Test (CSAT) o college entrance exam
Ang High School National Exam (ENEM) ay isang istandardong pambansang eksaminasyon sa Brazil na nakatakdang idaos bawat Nobyembre
Source: China Daily
Salin: Sissi
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |