INANYAYAHAN si Manila Archbishop Luis Antonio Gokim Cardinal Tagle na maging spiritual director sa idaraos na 2016 Special Assembly of the United States Conference of Catholic Bishops mula sa ika-13 hanggang ika-17 ng Hunyo sa Diocese of Orange sa California.
Inanyayahan siya na mamuno sa pagtitpon ni Arsobispo Joseph E. Kurtz, pangulo ng kapulungan ng mga obispo. Sinabi ni Bishop Jonh O. Barres ng Allentown, chairman ng USCCB Special Assembly Planning Committee, nagtitipon ang mga obispo ng Estados Unidos sa special assembly sa bawat ikatlong taon sa buwan ng Hunyo.
Spiritual retreat ang okasyong kabibilangan ng taimtim na pananalangin at mga pag-uusap. Ang spiritual director ang siyang magbibigay ng pangaraw-araw na reeflations at homiliya na nakatuon sa tema ng kanilang mga gawain.
Sa isang balita ng Arzobispado de Manila, nabatid na ang tema ay "The Bishops as Missionary Leader for the Human Family."
Inanyayahan si Cardinal Tagle dahil sa kanyang malawak na karanasan at kakayahang makipagtalastasan.