NAGPATULOY sa ikalimang araw ang walang humpay na military operations laban sa Maute Group sa Butig, lanao del Sur na may kinalaman sa pamumugot sa dalawang sibilyan sa pook.
Ayon sa pahayag ng Western Mindanao Command ng Armed Forces sa Zamboanga City, ang pinagsanib na mga tauhan ng militar at pulisya mula sa 103rd Brigade, Philippine Army at Philippine Air Force ang nagsasagawa ng paghahanap sa mga armado sa Barangay Ragayan Butig, Lanao del Sur.
Ang serye ng mga sagupaan ay nauwi sa pagkakapaslang sa dalawang kawal at pagkakasugat ng siyam na iba pa samantalang may 54 ang napaslang ayon sa intelligence reports sa panig ng mga armado. Patuloy na sumasalakay ang mga kawal sa piangkukutaan ng grupong armado.