Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Renewable Energy, lumalawak na

(GMT+08:00) 2016-06-08 19:17:15       CRI

NANINDIGAN si Asian Development Bank President Takehiko Nakao na lumalawak na ang mga bansang naniniwala sa kahalagahan ng malinis na pinagmumulan ng enerhiya.

Ito ang sinabi ni G. Nakao sa kanyang talumpati sa pagsisimula ng Asia Clean Energy Forum 2016.

Mahalaga ang pagdaraos na ito, ani G. Nakao, bilang kasunod na COP21 Paris Agreement at sa Sustainable Development Goals na nagbibigay-pansin sa climate change at sustainable development.

MAGKAKASAMA ANG ASIAN DEVELOPMENT BANK AT ASIAN INFRASTRUCTURE INVESTMENT BANK.  Ito ang sinabi ni ADB President Takehiko Nakao sa pagbubukas ng Asia Clean Energy Forum 2016.  Kasama ng ADB ang iba pang multilateral sources sa paglaban sa climate change.  (Melo M. Acuna) 

Mahalagang hamon sa Asia ang pagtugon sa pagbabago sa klima sapagkat patuloy sa pag-unlad ang rehiyon. Ang ekonomiya ay lumalago sa matatag na 6% taun-taon at lalawak mula sa ikatlong bahagi ng pandaigdigang Gross Domestic Product ngayon tungo sa halos kalahati sa taong 2050.

Kailangang makataring ang kuryente sa lahat ng barangay at tahanan, magkakaroon ng magandang sasakyang pangmamamayan, at magkaroon ng kaaya-ayang mga lungsod. Sa pagkakatong ito, mangangailangang magkaroon ng mas malaking konsumo ng kuryente at mas mataas ng greenhouse gas emissions.

Sa pagkakaroon ng clean energy, makakamtan ang kabawasan sa pagbabago sa klima at makatitiyak ng kaunlaran. Mungkahi ni G. Nakao ang pagkakaroon ng pagbabago tungo sa decarbonization.

Kailangang mabawasan ang pagbibigay ng fossil fuel subsidies na dahilan ng mas malawak na paggamit nito sa mas murang halaga.

Ibinalita ni G. Nakao na pinalalaki na nila ang paggasta sa clean energy at ibinalita na noong Setyembre na dodoblehin ang taunang paggasta sa climate financing sa halagang US$ 6 bilyon sa taong 2020. Apat na bilyong dolyar ang ilalaan sa mitigation at US$ 2 bilyon ang para sa adaptation. Tatlong bilyong dolyar ang gagastusin taun-taon sa clean energy projects sa renewable energy at energy efficiency tulad ng solar at wind.

Ikinalugod rin ni G. Nakao ang pakikiisa ng Tsina, India at Indonesia sa paggamit ng murang halaga ng petrolyo upang bawasan ang fuel subsidies.

Kabalikat ng Asian Development Bank ang Green Climate Fund at Climate Investment Funds. Nakikiisa na rin ang ADB sa Asian Infrastructure Investment Bank ng Tsina at gagawing prayoridad ang paglaban sa climate change.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>