Sa isang panayam kamakailan, sinabi ni Alberto Encomienda, dating Pangkalahatang Kalihim ng Maritime and Ocean Affairs Center ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas, na sa halip ng Tsina, ang Pilipinas aniya ang nagpalala ng tensyon sa South China Sea.
Bilang namamahalang tauhan sa mga talastasan ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas, tinukoy ni Encomienda, na hindi totoo ang sinabi ng kagawarang ito na isinagawa ng Pilipinas at Tsina ang mahigit 50 talastasan, pero hindi nalutas ang hidwaan sa South China Sea. Ayon sa kanya, sa katotohanan, ilang beses na iniharap ng Tsina ang paanyaya para sa talastasan, at hindi nagbigay ng reaksyon ang panig Pilipino.
Ipinalalagay din ni Encomienda, na walang sariling patakarang panlabas ang Pilipinas. Aniya, ang paninindigan ng Pilipinas sa isyu ng South China Sea ay batay sa ideyang itinakda ng Amerika.
Narito ang English version ng ulat hinggil sa panayam na ito:
http://news.xinhuanet.com/english/2016-06/09/c_135425031.htm