Nanawagan kahapon, Hunyo 8, 2016 ang mga tauhan ng iba't ibang sektor ng Pilipinas, kay bagong halal na Pangulong Rodrigo Duterte, na isagawa ang bilateral na talastasan sa Tsina sa lalong madaling panahon, para lutasin ang mga hidwaan ng dalawang bansa sa South China Sea (SCS) sa pamamagitan ng talastasan.
Sinabi ni Alberto Encomienda, dating Pangkalahatang Kalihim ng Maritime and Ocean Affairs Center ng Department of Foreign Affairs, na hindi kailangang hintayin ng kanyang bansa ang paghatol ng pandaigdigang arbitrasyon. Dagdag pa niya, ang pagtakwil ng Pilipinas ng kasong ito ay angkop sa pambansang kapakanan.
Sinabi naman ni Butch Valdes, dating Pangalawang Kalihim ng Department of Education, na ang nasabing arbitrasyon ay hindi nakakabuti sa kapakanan ng Pilipinas, bagkus, ito'y magpapaigting ng tensyon sa SCS.
Sinabi rin ni Aileen Baviera, propesor mula sa University of the Philippines (UP), na ang bilateral na talastasan ay mahalagang paraan para panumbalikin ang pagtitiwalaan ng dalawang bansa.