HINAHANAP ng pamahalaang lungsod ng Laoag ang kanilang ingat-yamang kinilala sa pangalang Elena Asuncion matapos mawala ang may P 85 milyon mula sa kaban ng bayan.
Ayon sa ulat ng media, lumabas ng bansa si Asuncion kamakalawa, sakay ng Philippine Air Lines patungong Hawaii. Hindi nakakuha ang pamahalaang lungsod ng hold departure order laban sa opisyal.
Huling nakita si Asunsion na dumadalo ng pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan subalit umalis kaagad bago pa man naibigan ni Mayor Chevylle Farinas ang pag-aalis sa kanya sa puwesto matapos mabatid na may nawawalang salapi.
Tumutulong na ang mga tauhan ng Provincial Treasury Office sa isang koponan mula sa Bureau of Local Government Finance na dumating kanina upang siyasatin ang pagkawala ng pondo. May imbestigasyon din ang Commission on Audit sa insidente.
Inilipat din ni Mayor Farinas ang pitong iba pang kawani sa tanggapan. Selyado na ang tanggapan upang pangalagaan ang mga ebidensya hanggang matapos ang ginagawang pagsisiyasat at pagsusuri sa mga dokumento.