Bilang tugon sa dumaraming krimen ng mga sundalong Amerikano na nakatalaga sa Okinawa Prefecture sa dakong timog-kanluran ng Hapon, binuo ng pamahalaang Hapones ang 40 miyembrong Grupo ng Patrolyang Panseguridad nitong Miyerkules, June 15, 2016.
Simula nang araw ring iyon, nagsasagawa ng tatlong oras na patrolya mula alas 7 PM hanggang alas 10 PM bawat araw ang nasabing grupo sa paligid ng base ng tropang Amerikano at kalunsuran ng Okinawa.
Isang Amerikanong nakabase sa Okinawa ang naaresto kamakailan. Pinaghininalaang pinatay niya ang isang babaeng residente. Samantala, dalawang mamamayang lokal ang binangga at nasugatan ng kotseng minamaneho ng isang lasing na sundalong Amerikano.
Tagapagsalin: Jade
Tagapagpulido: Rhio