Sa Belgrade, Serbia—Buong pagkakaisang ipinasiya dito nitong Sabado, Hunyo 18, 2016, nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at kanyang counterpart na si Tomislav Nikolic ng bansang ito, na pataasin ang kanilang bilateral na relasyon sa antas ng komprehensibong estratehikong partnership.
Nang araw ring iyon, nagtagpo sila para magpalitan ng palagay hinggil sa bilateral na relasyon at ibang mga isyung kapwa nila pinahahalagahan.
Sinabi ni Xi na nakahanda ang panig Tsino, na palalimin, kasama ng Serbia, ang pagtitiwalaang pulitikal at mga kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan.
Sinabi naman ni Nikolic na naniniwala siyang ang pagdalaw ni Xi ay magpapalalim ng mga kooperasyon ng dalawang bansa sa iba't ibang larangan.
Sa kanilang pagtatagpo, sinang-ayunan ng dalawang lider na pahigpitin ng dalawang bansa ang kooperasyon sa mga larangang gaya ng mga isyung pandaigdig at panrehiyon, pandaigdigang organisasyon, imprastruktura, enerhiya, agrikultura at kultura.