Nagtagpo nitong Sabado, Hunyo 18, 2016, sa Belgrade, kabisera ng Serbia, sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina, at Aleksandar Vucic, Punong Ministro ng bansang ito.
Sinabi ni Xi na nakahanda ang panig Tsino na pahigpitin, kasama ng Serbia, ang mga kooperasyon sa imprastruktura, transportasyon, kalakalaan, pinansya at kultura.
Sinabi pa ni Xi na mabilis na umuunlad ang kooperasyon ng Tsina at mga bansa sa Silangan at Gitnang Europa. Umaasa aniya siyang pasusulungin, kasama ng Serbia, ang mga kooperasyon ng Tsina at naturang mga bansa, para makinabang dito ang mga mamamayan ng mga may kinalamang panig.
Ipinahayag ni Vucic ang mainit na pagtanggap sa pagdalaw ni Xi. Sinabi niyang buong sikap na pinalalawak ng kanyang bansa ang saklaw ng kooperasyon ng dalawang bansa. Dagdag pa niya, winelkam ng Serbia ang pamumuhunan ng mga bahay-kalakal ng Tsina