Idinaos kahapon, Biyernes, ika-17 ng Hunyo 2016, sa Belgrade, Serbia, ang unang talakayan ng mga media ng Tsina at Serbia. Kalahok dito ang mga namamahalang tauhan ng mga pangunahing media ng dalawang bansa, na gaya ng Xinhua News Agency, China Central Television, China Radio International, Tanjug News agency, Radio Television of Serbia, at iba pa.
Tinalakay ng mga kalahok ang hinggil sa pagpapalakas ng pagpapalitan at pagtutulungan ng mga media ng Tsina at Serbia, at magkakasamang pagpapaunlad ng new media. Iniharap din nila ang mga konkretong mungkahi hinggil sa mga isyung ito.
Salin: Liu Kai