Sa Belgrade, Serbia—Nagtagpo dito nitong Sabado, Hunyo 18, 2016, sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Maja Gojkovic, Ispiker ng Parliamento ng bansang ito.
Sinabi ni Xi na ang pagpapalagayan ng mga departamentong lehislatibo ay mahalagang bahagi ng komprehensibong estratehikong partnership ng dalawang bansa. Umaasa aniya siyang ibayo pang pahihigpitin ng mga departamentong lehislatibo ng dalawang bansa ang pagpapalitan at pagpapalagayan para palalimin ang relasyon ng mga lipunan ng dalawang bansa at pagkakaunawaan ng kanilang mga mamamayan.
Ipinahayag naman ni Maja Gojkovic na buong sikap na pinasusulong ng parliamento ng Serbia ang pagkakaibigan ng dalawang bansa. Nakahanda aniya siyang pahigpitin ang pagpapalitan at pagtutulungan sa Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina.