TATLONG tauhan ng Abu Sayyaf ang napatay samantalang sampung iba pa ang sugatan sa sagupaan sa pagitan ng kanilang grupo at mga tauhan ng 32nd Infantry Battalion (Philippine Army) sa Sitio Bud Duwa Bayho, Pansul sa Patikul, Sulu kahapon ng hapon.
Ayon kay Major Filemon Tan, Jr., tagapagsalita ng AFP Western Mindanao Command, tumalag ang sagupaan ng isang oras at kalahati. Nabuwag ang may 200 mga tauhan ng Abu Sayyaf.
May 16 na kawal ang nasugatan sa sagupaan. Isinugod sila sa Trauma Hospital sa Camp Teodolfo Bautista sa Busbos, Jolo, Sulu upang magamot kaagad. Tuloy pa rin ang paghahabol ng mga kawal sa mga armado.