|
||||||||
|
||
Huwebes, ika-23 ng Hunyo, 2016, ipinahayag ni Jiang Jianguo, Pangalawang Ministro ng Departamento ng Publisidad ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina at Direktor ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estdo, ang pag-asang igigiit ng mga African media ang makatatungang simulain sa isyu ng South China Sea, at isasalaysay ang tunay na kalagayan ng nasabing karagatan sa mga mamamayan ng Aprika, maging ng buong mundo.
Sa ika-6 na African Digital TV Development Seminar sa Beijing na idinaos nang araw ring iyon, isinalaysay ni Jiang ang kuru-kuro at kilos ng Tsina sa isyu ng South China Sea.
Aniya, hanggang dekada 70, ang mga isla ng South China Sea ay kabilang sa Tsina, at walang alinmang bansa ang nagharap ng protesta, walang alinmang bansa ang naghamon sa Tsina sa paggamit ng soberanya sa mga islang ito, at walang alinmang bansa ang naglakip ng mga pulo at batuhan ng South China Sea sa sariling teritoryo. Pero dahil sa napalakaing prospek ng yaman, sunud-sunod na sinakop ng ilang bansa ang ilang pulo't batuhan ng Nansha Islands, at tinangka rin ng ilang bansang gaya ng Pilipinas na pabulaanan ang soberanya ng Tsina sa Nansha Islands, sa pamamagitan ng paninindigan sa karapatan sa pangangasiwa sa dagat. Hinding hindi yuyukod ang pamahalaang Tsino sa isyu ng soberanya, dagdag niya.
Binigyang-diin ni Jiang na laging naninindigan ang Tsina sa mapayapang paglutas sa mga alitan sa teritoryo at soberanya sa pagitan ng mga may kinalamang bansa. Ito aniya ay dapat batay sa paggalang sa katotohanang historikal at pandaigdigang batas.
Tinukoy niyang sa isyu ng South China Sea, sinasadyang isinagawa ng ilang media ng kanluran ang "may pagpiling pagkokober," nagbulag-bulagan, at pilipitin ang katotohanan sa isyung ito, at pabulaanan ang patakara't paninindigan ng Tsina. Umaasa aniya siyang igigiit ng mga African media ang makatarungang simulain, at ikober ang kuru-kuro at paninindigan ng Tsina sa nasabing isyu.
Salin: Vera
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |