NANINIWALA sina Senador Sherwin Gatchalian at Rizza Hontiveros na mas makabubuti sa madla ang pagsunod sa batas at due process sa pinalawak na kampanya laban sa mga sindikato ng droga bago pa man maluklok sa poder si Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Ani Senador Gatchalian na makabubuting siyasatin ng Commission on Human Rights at Internal Affairs ng Philippine National Police ang mga pagpaslang sa pinaghihinalaang drug dealers na umano'y lumalaban sa mga alagad ng batas.
Ito ang kanyang pahayag sa mga tagapagbalita sa Senado.
Samantala, lumabas din sa balita na panggising sa madla ang mga pahayag ni Pangulong Duterte hinggil sa death penalty sa pagbibigay halaga sa due process at pangangailangang pangalagaan ang Karapatang Pangtao. Binabantayan naman ng Commission on Human Rights at iba pang civil society groups na interesado sa pagtataguyod ng rule of law ang bagay na ito, dagdag pa ni Senador Hontiveros.
Sa oras na magparating ang mga mambabatas na panukalang ibalik ang parusang kamatayan, tiniyak ni Senador Hontiveros na kokontrahin niya ito sapagkat bahagi siya ng Movement for Restorative Justice noong mawala ang parusang kamatayan noong 2006.