|
||||||||
|
||
Sa isang preskong idinaos kahapon, Hunyo 27, 2016, sa Hague, Netherlands, tinukoy ng mga dalubhasang Tsino at dayuhang kalahok sa "Simposyum ng Arbitrasyon sa South China Sea at Pandaigdigang Sistemang Legal" na ang esensya ng hidwaan ng Tsina at Pilipinas sa South China Sea ay hidwaan nila sa teritoryo at paghahati ng karagatan. Anila, lipos ang duda sa arbitrasyong unilateral na iniharap ng panig Pilipino.
Sa naturang preskon, sinagot ng mga dalubhasang Tsino at dayuhan ang mga tanong ng mga mamamahayag tungkol sa esensya ng hidwaan ng Tsina at Pilipinas, paninindigan ng Tsina sa arbitrasyon sa SCS, impluwensiya ng arbitrasyong ito sa pangangasiwa alinsunod sa batas sa daigdig, at iba pa. Sinabi ni Pemmaraju Sreenivasa Rao, dating Presidente ng International Law Commission (ILC) ng United Nations (UN), na ang esensya ng nasabing hidwaan ay hinggil sa hidwaan ng teritoryo at paghahati ng karagatan ng dalawang bansa,.
Malinaw na tinukoy ni Rao na ang isyu ng teritoryo at soberanya ay hindi nabibilang sa saklaw ng pagsasaayos ng "United Nations Convention on the Law of the Sea." Aniya, sa kasong ito, walang anumang kapangyarihan ang arbitration court sa isyu ng soberanya at paghahati ng karagatan.
Ipinalalagay naman ni Michael Sheng-ti Gau, propesor ng National Taiwan Ocean University (NTOU), na walang obligasyon ang Tsina sa pagtanggap ng resulta ng nasabing arbitrasyon. Aniya pa, kahit ano ang resulta ng arbitrasyon, hindi magbabago ang paninindigan ng iba't-ibang panig dahil dito, kaya hindi malulutas ang tunay na hidwaan.
Sinabi ni Abdul G. Koroma, dating hukom ng International Court of Justice, na upang mapayapang malutas ang hidwaan at mapagkaibigang makipamuhayan ang mga bansa sa SCS, ang talastasan ay siyang pinakamabuting paraan para sa paglutas sa hidwaang ito.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |