Nakipag-usap sa Beijing, Hunyo 28, 2016 si Premyer Li Keqiang ng Tsina kay Punong Ministro Hwang Kyo-ahn ng Timog Korea, na dumalo sa 2016 Summer Davos Forum sa Tianjin, Tsina.
Ipinahayag ni Premyer Li na bilang mapagkaibigang kapitbansa at estratehikong magkatuwang, umaasang tutupdin ng Tsina at Timog Korea ang mga narating na pagkakasundo hinggil sa pag-uugnay sa "Belt at Road Initiative" ng Tsina at "Europe at Asia Initiative" ng Timog Korea, "Made in China" blueprint ng Tsina at plano sa reporma ng manufacturing industry ng Timog Korea, pagpapalakas ng pagtutulungan sa pandaigdigang produktibong kakahayan sa ikatlong pamilihan, at iba pa. Samantala, umaasa rin aniya siyang palalawakin pa ng Tsina at Timog Korea ang konstruksyon ng malayang sonang pangkalakalan, pahihigpitin ang konektibidad ng larangang pinansyal, at ibayong pasusulungin ang pagtutulungan ng industriyang pangkultura.
Nang mabanggit ang kalagayan sa hilagang-silangan Asya, ipinahayag ni Li ang pag-asang magsisikap ang Tsina, kasama ng Timog Korea at mga ibang may-kinalamang panig, para maisakatuparan ang walang nuklear na peninsula ng Korea at pangalagaan ang katatagan, kasaganaan at kaunlaran ng rehiyong ito. Umaasa din ang Premyer Tsino na igagalang ng Tsina at Timog Korea ang kani-kanilang nukleong interes at pagkabahala, at pahihigpitn ang pagpapalitan para pangalagaan ang malusog at pangmatagalang pagunlad ng estratehikong pagtutulungan ng dalawang bansa. Ipinahayag naman ni Hwang Kyo-ahn ang pagpahalaga sa relasyon ng Tsina at Timog Korea. Nakahanda aniya ang kanyang bansa na magsikap, kasama ng Tsina para ibayong pasulungin ang bilateral na relasyon ng dalawang bansa at pangalagaan ang katatagan at kasaganaan ng rehiyong hilagang-silangan Asya.