Sa panahon ng 2016 Summer Davos, idinaos ngayong araw, Martes, ika-28 ng Hunyo 2016, sa Tianjin, ni Premyer Li Keqiang ng Tsina ang dialogue meeting sa mga kinatawan mula sa mga sirkulo ng industriya, komersyo, pinansyo, think tank, at media ng Tsina at mga bansang dayuhan.
Isinalaysay niya ang kalagayan hinggil sa repormang pang-estruktura, pagbabawas ng labis na produktibong kapasidad, pag-a-upgrade ng manupaktura, paglikha ng pantay-pantay na kapaligirang pampamumuhunan, at superbisyong pinansyal ng Tsina.