Sa seremonya ng pagbubukas ng 2015 Summer Davos na idinaos ngayong araw sa Dalian, lunsod sa hilagang Tsina, sinabi ni Li Keqiang, Premyer Tsino, na hindi magaganap ang "hard landing" ng kabuhayan ng kanyang bansa. Dagdag niya, may kakayahan ang Tsina na isagawa ang mga napapanahong hakbangin, sakaling lumitaw ang masamang palatandaan sa kabuhayang Tsino.
Ipinahayag ni Li na sa kasalukuyan, bagama't kinakaharap ng kabuhayang Tsino ang mga kahirapan, mas marami pa rin ang pagkakataon kaysa hamon. Aniya, umiiral pa rin ang mga kahigtan ng kabuhayang Tsino, at marami pang hakbangin ng makro-kontrol ang maaaring isagawa, para isakatuparan ang medium-high growth ng kabuhayan.
Sinabi rin niyang isasagawa ng Tsina ang mas proaktibong patakaran ng pag-aangkat, at patuloy na daragdagan ang pamumuhunan sa labas ng bansa, para ang Tsina ay mananatiling isa sa mga lakas na tagapagpasulong sa paglaki ng kabuhayang pandaigdig.
Kalahok sa kasalukuyang Summer Davos ang mahigit 1700 delegado mula sa sirkulo ng komersyo at industriya ng daigdig. Ang di-matatag na elemento ng kabuhayan, bagong kalagayan at tunguhin ng kabuhayang Tsino, reporma sa pinansyo, mga maunlad na teknolohiya sa kabuhayan at lipunan, at iba pa ay pangunahing paksa ng pulong na ito.
Salin: Liu Kai