Ayon sa China News Service, ipinahayag kahapon, Hunyo 29, 2016, ni Peter Paul Galvez, Tagapagsalita ng Kagawaran ng Tanggulang Bansa ng Pilipinas, na ayon sa isang kasunduan ng transnasyonal na pagpapatupad ng batas na nilagdaan ng Pilipinas at Indonesia noong 1975, kung mangyayari ang emergencies, papayagan ng Pilipinas ang tropang panseguridad ng Indonesia na pumasok sa karagatan ng bansa para tugusin ang mga kriminal. Papayagan din ng Indonesia ang tropang Pilipino na isagawa ang katulad na aksyon sa karagatang Indones.
Ipinahayag din niya na kung papasok ang tropang panseguridad ng Indonesia sa karagatang Pilipino para isagawa ang pagtutugis, kailangan agarang ipaalam ito sa tropang panseguridad ng panig Pilipino para agarang isagawa ng dalawang bansa ang magkasanib na aksyon.
Salin: Li Feng