|
||||||||
|
||
NAGSAMA-SAMA ang mga militante sa Pamantasan ng Pilipinas at iniharap ang 15-puntong programang hinihiling nila kay Pangulong Rodrigo Duterte. Kinilala ang programang People's Agenda for Change na ibinigay kina Agrarian Reform Secretary Rafael "Ka Paeng" Mariano at Social Welfare Secretary Judy Taguiwalo.
Dumating din ang mga kabilang sa Makabayan coalition at mga kinatawan nina Senador Grace Poe, Francis Escudero at Alan Peter Cayetano. Nahati ang mga programa sa lima, economic policy, social policy, peace and human rights, governance and democracy at foreign policy and sovereignty.
Hinihiling mga iba't ibang grupo ang pagpapatupad ng pambansang industriyalisasyon upang tumugon sa pangangailangan ng mga Filipino at ng pagpapaunlad ng bansa.
Hinihiling din nila ang dagdag na salapi para sa edukasyon at kalusugan, pagpapatupad ng dagdag na pensyon ng mga kasapi ng Social Security System at dagdag na serbisyo para sa mga manggagawang Filipino sa ibang bansa. Hinihinghi rin nila ang dagdag na bilis ng broadband sa 1.5 Mbps at pag-aalis ng data cap sa mga gumagamit ng internet.
Kailangang ituloy ang peace talks sa pagitan ng pamahalaan at National Democratic Front at pagpapatigil na militarisasyon sa kanayunan sa mga pook na kinalalagyan ng mga lumad.
Napapaloob pa sa kahilingan ng mga progresibong grupo na higit na pasiglahin ang kampanya laban sa katiwaliang naganap sa ilalim ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III>
Sa larangan ng foreign policy, layunin nilang magkaroon ng independent foreign policy at pagpapahinto sa Visiting Forces Agreement at Enhanced Defense Cooperation Agreement.
Sinabi naman ni Bayan Muna Congressman Carlos Isagani Zarate na ang People's Agenda ay binuo ng mga mamamayang naghahangad ng pagbabago. Pinuri din niya si Pangulong Duterte sa desisyong makipag-usap sa National Democratic Front.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |