|
||||||||
|
||
Nang kapanayamin noong Hunyo 29, 2016, ng Reuters si Paul Reichler, punong abogado ng panig Pilipino sa kaso ng arbitrasyon sa South China Sea (SCS), ipinahayag niya na ang paninindigan ng Tsina sa SCS ay nababatay sa "nine-dotted line," at sa gagawing hatol sa Hulyo 12, 2016, ay mapapabulaanan ang anumang batayang pandaigdig na pambatas na iniharap ng Tsina." Kaugnay nito, sa regular na preskon sa Beijing kahapon, Hulyo 4, 2016, ipinahayag ni Tagapagsalita Hong Lei ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang soberanya ng teritoryo at kinauukulang karapatan ng Tsina sa South China Sea ay binuo sa mahabang prosesong historikal, at hindi ito maaapektuhan ng ilegal na hatol.
Aniya pa, sa katotohanan, para sa Amerika at ilang bansang Asyano na gaya ng Hapon, ginamit nila minsan ang "nine-dotted line" bilang target sa pananalakay sa Tsina. Sa mga okasyong pandaigdig na may-kinalaman sa isyu ng SCS, gusting-gustong pagdudahan ng ilang tao ang legalidad ng "nine-dotted line," dagdag ni Hong. Aniya, bagama't ang dudang ito ay may kahulugang probokasyon, hindi masalimuot ang paliwanag tungkol dito. Ayon kay Feng Wei, propesor ng Departamento ng Kasaysayan ng Fudan University, kung istriktong sasabihin, dapat tawagin ang "nine-dotted line" bilang U-shaped line. Ito aniya ay kumakatawan ng karapatang historikal ng Tsina sa South China Sea.
Ang pagtatakda aniya ng Tsina ng dotted line sa South China Sea ay isang historikal na proseso. Sinabi ni Feng, nasa panahong ito, ang Tsina ay nakaranas ng pananalakay at pagsakop mula sa mga bansang gaya ng Pransya at Hapon. Ang "nine-dotted line" aniya ay lumitaw pagkaraang bawiin ng Tsina ang soberanya ng Xisha at Nansha Islands mula sa Hapon.
Sinabi ng propesor na ang kaso ng arbitrasyon sa South China Sea na unilateral na iniharap ng pamahalaan ni Benigno Aquino III, ay nagpopokus ng paghatol sa legalidad ng "nine-dotted line" ng Tsina sa SCS. Aniya pa, ang dahilan bakit isinasagawa ng Pilipinas, Biyetnam, Amerika, at Hapon ang probokasyon tungkol dito, ay dahil sa hindi malinaw na pagdedeklara ng panig Tsino sa karapatan at nilalaman ng nasabing siyam na linya. Bakit hindi ginawa ng opisyal na dokumento ng Tsina ang malinaw na paliwanag sa "nine-dotted line?" Tinukoy ni propesor Feng na sa mula't mula pa'y iginigiit ng panig Tsino ang katapatan at kabutihan ng pagsasaisang-tabi ng hidwaan at pag-iwas sa paglala ng kontradiksyon.
Sinabi pa niya na sa isang dako, binibigyang-diin ng Tsina ang pagmamay-ari ng soberanya sa SCS, at naninindigan itong isaisang-tabi ang hidwaan at magkakasamang galugarin ang karagatang ito. Sa kabilang dako, kailanma'y hindi pinabulaanan ng Tsina ang pag-iral ng ilang kontradiksyon sa isyu ng karapatan ng pagmamay-ari sa kinauukulang karagatan ng SCS. Upang maiwasan ang paglala ng kontradiksyon at sagupaan, dapat malaman na hindi itinakda ng Tsina ang territorial sea baseline sa ilang aspekto. Tatlo punto animnaput limang (3.65) milyong square kilometer ang kabuuang saklaw ng Nanhai, ngunit dalawa punto isang (2.1) milyong square kilometer lamang ang inaangkin ng Tsina sa karagatan ng South China Sea. Ito aniya ay dalawang nagkakaibang konsepto.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |