|
||||||||
|
||
Dhaka, Bangladesh--Dalawang-araw na pambansang pagluluksa ang idinaos Linggo at Lunes (Hulyo 3 at 4), 2016 ng Bangladesh para sa mga biktima ng pamamaril na naganap nitong nagdaang Biyernes.
Sa seremonya, Lunes, naglagay ng mga bulaklak si Punong Ministro Sheikh Hasina sa mga kabaong ng mga biktima sa Army Stadium sa Dhaka.
Tinakpan ang mga kabaong ng mga pambansang watawat ng India, Italya, Bangladesh, Hapon at Estados Unidos, bilang paggunita sa kanilang nasyonalidad.
Nagsadya rin sa nasabing stadium ang mga diplomata mula sa iba't ibang bansa, kasama ng mga kamag-anakan at kaibigan ng mga biktima para magbigay-galang sa mga biktima.
Dalawampung hostage na kinabibilangan ng siyam na Italyano, pitong Hapones, dalawang Bangladeshi, isang Indiyano at isang Bangladeshi-American ang pinatay ng pitong armadong tauhan sa Holey Artisan Bakery noong nagdaang Biyernes.
Inamin ng Islamic State (IS) ang responsibilidad sa nasabing atake. Anim na gunmen ang napatay at isa ang nadakip nang buhay.
Si Punong Ministro Sheikh Hasina habang nagbibigay-galang sa mga biktima ng pamamaril (Xinhua/Shariful Islam)
Mga kamag-anakan na nagluluksa sa seremonya ng paggunita (Xinhua/Shariful Islam)
Mga sundalong Bangladeshi habang pinapasan ng isang kabagong ng biktima (Xinhua/Shariful Islam)
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |