Colombo, Sri Lanka—Kaugnay ng kapasiyahan ng Estados Unidos na ideploy ang Terminal High Altitude Area Defense (THAAD), isang modernong missile defense system sa T.Korea, ipinahayag Sabado, ika-9 ng Hulyo, 2016, ni Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina, na inilahad na ng panig Tsino ang solemang paninindigan dito. Ipinalalagay aniya ng panig Tsino na ang pagdedeploy ng THAAD ay malayung-malayo na lampas sa pangangailangang pandepensa ng Korean Peninsula. May katuwiran at karapatan aniya ang Tsina na pagdudahan ang tunay na tangka ng nasabing kapasiyahan.
Humiling siya sa panig Amerikano na huwag ilagay ang sariling katiwasayan sa pundasyon ng di-ligtas na kalagayan ng ibang bansa, lalong lalo na, hindi dapat makapinsala sa lehitimong kapakanang panseguridad ng ibang bansa, sa katwiran ng umano'y bantang panseguridad. Umaasa aniya ang Tsina na mag-iingat sa kilos ang mga may kinalamang panig, para maiwasan ang malaking kamalian.
Salin: Vera