Paninindigan ng Tsina hinggil sa arbitrasyon sa isyu ng South China Sea, hindi magbabago:tagapagsalita
Nakatakdang ilabas ngayong hapon, ika-12 ng Hulyo, 2016 ng Arbitral Tribunal ang resulta ng arbitrasyon hinggil sa isyu ng South China Sea na unilateral na isinumite ng administrasyon ni dating pangulong Benigno Aquino III ng Pilipinas.
Nang sagutin ang mga may kinalamang tanong sa regular na preskon kinahapunan, sinabi ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na anuman ang ilalabas na resulta, hindi magbabago ang paninindigan ng pamahalaang Tsino. Idinagdag pa ni Lu na ang subject-matter ng arbitrasyon ay lampas sa saklaw ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), at bukod dito, nagpalabas na ang Tsina ng optional declaration, na tulad ng ginawa ng iba pang ilampung bansa, batay sa UNCLOS. Bilang karagdagan, sang-ayon ang Pilipinas, batay sa serye ng bilateral na dokumentong nilagdaan ng dalawang bansa, na lutasin ang alitan hinggil sa isyu ng South China Sea sa pamamagitan ng pagsasanggunian. Sa aspetong ito, tinalikuran ng pamahalaan ni dating pangulong Benigno Aquino III ang pangako hinggil dito.
Sinabi rin ni Lu na pagpasok ng Hulyo, 2016, mas maraming bansa na gaya ng Cambodia, Angola, Liberia, Madagascar, Papua New Guinea, at Senegal ang nagpahayag ng suporta sa Tsina. Sa kabuuan, mahigit 90 bansa ang nagpahayag ng katulad na suporta sa Tsina.
Salin: Jade
Pulido: Rhio