Sa Ulan Bator, Mongolia-Magkasamang nasaksihan nina Premyer Li Keqiang ng Tsina at kanyang counterpart na si Jargaltulga Erdenebat ng bansang ito ang paglagda ng China Radio International (CRI) at Mongolian National Broadcasting (MNB) sa kasunduan ng kooperasyon sa Government Palace ngayong araw, Huwebes, Hulyo 14, 2016.
Sinabi ni Ma Bohui, Pangalawang Editor-in-Chief ng CRI, na pahihigpitin ng dalawang panig ang mga kooperasyon para patingkarin ang papel ng mga media sa pagpapasulong ng pagkakaunawaan at pag-uugnayan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.
Sinabi naman ni Bayarsyhan Bider, Director General ng MNB, na ang pagdalo ng mga Punong Ministro ng dalawang bansa sa seremonya ay nagpapakita ng pagpapahalaga ng mga pamahalaan ng dalawang bansa sa pagpapalitan ng mga media. Naniniwala aniya siyang ang kooperasyon at pagpapalitan ng MNB at CRI ay ibayo pang magpapalalim ng pagkakaunawaan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.
Ayon sa naturang kasunduan, isasagawa ng CRI at MNB ang mga kooperasyon sa pagpapalitan ng mga programa, pagpopromote sa isa't isa, magkasamang pag-uulat ng mga mahalagang pangyayari, at pagpapalitan ng mga tauhan.
Ang CRI ay isang state-run media ng Tsina na nagsasahimpapawid sa buong daigdig sa pamamagitan ng 65 wika.
Ang MNB ay tanging pambansang radio station ng Mongolia.